Dorm~SWEET~Dorm
December 1, 2006
Kumuha ka na ng popcorn at unan dahil mahaba-haba itong post na ‘to. Uumayin kita ng ka-cornyhan.
Isa sa mga pinaka-exciting sa college life ko ay ang pagtira sa isang apartment o sa dormitoryo. Mula isuka ka sa mundong ibabaw ay sa bahay ka na dinala hanggang tumanda ka na’t tubuan ng buhok ang iyong kili-kili nasa bahay ka pa rin. Kung sawang sawa at bagot na bagot ka na sa buhay mo, mainam siguro na i-try mo ang kabilang buhay. Joking aside, mag-eenjoy ka talaga pag sinubukan mong tumira sa dorm na malayo sa mga magulang mo.
Dalawang taon akong nanirahan sa apartment sa Sampaloc, Manila sa unang dalawang taon ng aking college kasama ang apat ko pang high school friends. Isang buwan rin akong nanirahan sa Dagupan City para sa affiliation namin kasama ang 27 kong kaklase. Tatlo sa kanila ay aking room mates. Sa tinagal tagal kong nagdodorm, sari-saring hirap, kalokohan, at katarantaduhan ang aking naexperience. Isa ito sa mga most unforgettable and happiest part ng college life. Kaya para sa’kin, masasabi kong hindi makukumpleto ang college experience mo kung hindi ka nakapagdorm. Sa dorm/apartment, iba’t ibang tao ang makakasama mo. Nariyan ang mga tunay na kaibigan, ang mga kaibigan, ang mga not-so-close kaibigan, ang mga bading at mapag-chancing na kaibigan, at ang mga buwisit-sa-buhay-mo na mga kaibigan. Sa mga 4th year high school students diyan at balak pumasok sa mga dormitoryo sa kolehiyo, ish-share ko sa inyo ang ilang mga tips at experiences ko para hindi kayo maloloko, malalamangan, at mauuto, kundi para KAYO ang manloloko, manlalamang, at mang-uuto. Marami rin akong tips and tricks tungkol sa pagbubudget ng pera, sa pag-rereview ng lessons, atbp. Sa pagkakataong ito, bibigyan ko ang mga nagdodorm ng katawagang DORMSTERS. Read on!
- Wag mapapasubo sa bisyong billiards, alak, o computer games. Kakainin nito at uubusin ang pera mo na parang buwaya at iiwan kang luhaan.
- Kung ang baon mo ay pang isang linggo, lunes at martes ay mayaman ka. Miyerkules ay nagtitipid ka na. Huwebes ay ummutang ka na. Biyernes ay pamasahe pauwi na lamang ang pera mo.
‘PAG UBOS NA ANG BAON NA PERA:
- Mahirap i-budget ang baong nakalaan para sa isang linggo. Lalo na pag nagtitipid ka o may pinag-iipunan ka. Mainam na bago umalis ng bahay(provincial) ay magbaon ka ng sangkatutak na groceries.
- Sosyal ang mga dormster. Hindi sila kumakain ng kanin. Ang staple food nila ay noodles. Nissin Cup Noodles.
- Pero ‘pag mag may stove, etc., ang pinakatipid na kainin ay pancit canton. Lucky Me Pancit Canton (Chilimansi Flavor).
- Pag wala ka ng pera, magnoodles ka.
- Pag wala kang noodles, magkape ka na lang.
- Pag wala kang kape, magdelihensya ng noodles o kape sa kabilang room.
- Mas okay kung kukupit ka ng noodles/kape sa drawer ng room mate mo. Siguraduhin mo lang na hindi niya bilang ‘yung mga ‘yun.
- Ang noodles at kape ay walang sapat na sustansya para sa studyanteng tulad mo. Ampaw. Wala nang laman ang tyan mo, pati utak mo puro hangin na lang. Utak-ampaw.
- Upang maiwasan ang kabobohan dala ng ‘di sapat na nutrisyon, dagdagan mo ng brain food ang diet mo pero ‘yung mura lang para tipid ka pa rin. Sahugan mo ng nilagang mani ang noodles mo at timplahan mo ng Sugo roasted peanuts ang kape mo. Mura na, nutritious pa.
- Libre ang tubig. Gawin itong pampalipas gutom.
- Mag-isip ng racket na maaari kang magkapera. Gamitin ang iyong critical thinking.Tandaan na ang mga nagdodorm ay walang dalang can opener. Magdala ng can opener at singilin mo sila ng tig-tatlong piso sa bawat latang ipabubukas sa’yo.
- Dito ko natutunan na may business palang hindi na kailangang kuhaan ng permit. Ang Sari-Sari Dorm.
- Maaaring magpaskil ng advertisement sa pintuan para mabasa ng lahat: Plantsa: 3 pairs for P50, Laba Underwear: P5 per piece, Pa-text: P5 per message, Pa-call (Sun to Sun only): P3 for every 10 mins., Pathophysiology: P30 per case+15 min. free discussion, Bukas de Lata: P3 per can.
- Maaari rin kayong mag-massage service sa rate na P300/hour. Kikita ka rito lalo na ‘pag guwapo ka at matipuno ang iyong pangangatawan.
PAGDATING SA PAG-AARAL
- Matulog ng maaga. Ipagpabukas na lamang ang chika-chika.
- Pwede ring ‘wag matulog ng maaga. Kung magpupuyat ka sa pag-aaral mabuti na ang may stock ka ng kape sa drawer mo.
- Kung matutulog ka muna bago mag-review, iwasan ang pagtawad sa alarm clock ng "last 5 minutes" o kaya’y "last 30 minutes na lang talaga, promise!"
- Tandaan na ang kape at yosi enhances mental performance. ENHANCES MENTAL PERFORMANCE. Ngayon may dahilan ka na para mag-yosi.
- ‘Wag maniwala sa 1 bottle of beer relaxes the mind & improves memory. Dahilan lang yan ng ibang studyante para maka-toma. Aantukin ka lang dyan.
- Effective rin ang group study. Pero bago pumunta sa bahay ng klasmeyt, manumpa sa isa’t-isa na walang magkukuwentuhan tungkol sa lovelife, walang magdadala ng beer, walang manonood ng DVD, at walang magbabasa ng FHM.
- Maganda ang pagfoformulate ng mga mnemonics ‘pag enumeration o yung pagkuha ng first letters ng mga salitang imememorize mo. Pagdating sa skul, agad mo itong iukit sa desk mo.
‘PAG KAAWAY MO ANG DORM-MATE MO
(Warning: Gross content. Paumanhin sa mga kumakain.)
- Dahil nagkakasama-sama kayo sa isang kwarto, nagkakaalaman kayo ng mga baho, lalo na ang mga OA sa tamad na hihintayin pang amagin ang pinagkainan sa kitchen sink bago ito linisin. ‘Pag may nakaaway ka sa kanila, unahan mo na bago ka maunahan.
- Kunin ang toothbrush ng kaaway at dahan-dahan mong ibabad sa toilet. Kung malalim ang galit mo pwede rin sa toilet na nawiwian mo ito ibabad. Kung malalim na malalim talaga ang galit mo pwede mo rin itong ikaskas at ipanlinis sa toilet niyo (slightly lang ha para ‘di manilaw ‘yung bristles). Ibalik ang toothbrush sa dating posisyon para ‘di mapaghalataan.
- Lagyan mo ang kanyang C2 Green Tea na nasa ref ng isang kutsaritang w*wi.
- Magtext ng death threat gamit ang unknown number(buwahahahaa!!)
- Manghuli ng maliliiit na daga o ipis at ikandado ito sa aparador ng damit ng kaaway mo. Butas ang jockey mo! Wahahaha!
(Ang mga nabanggit ay based from experience.)
OBSERVING PROPER HYGIENE (’PAG GIPIT)
- Ang pagkaskas ng deodorant sa kilikili ay pwedeng every other day. Pero kung wala kang deodorant, hiramin ng patago ang deodorant ng ka-dorm.
- Ang brief ay may side A at side B. Use them wisely.
- After magamit ang side B ay wag nang babalik sa side A. Mahal ang Trosyd, kaibigan.
- Ang medyas ay may side A at side B rin. Maaari kang bumalik sa side A kung mababa lang ang mileage na pinaggamitan mo no’n. May expiry date ito ng 1 week.
- Panatilihing malinis at maputi ang uniform. Alalahanin mo, yan pa rin ang gagamitin mo bukas.
- Iwasan magkamantsa ang uniform o malagyan ng kahit anong spots na maaari nilang gawing tanda para bukuhin na nag-uulit ka ng uniform.
- Kung may pang-laundry ka naman sa baon mo (@ P20-30 per kilo), pwede mong i-skip ang mga nabanggit sa itaas. Pero kung wala, i-apply mo ang mga itinuro ko sa’yo at isipin mo na lang na naliligo ka naman araw-araw.
‘PAG NAHOHOMESICK
- Hindi ka dapat ma-homesick dahil once in a blue moon ka lang mabigyan ng ganitong opportunity. Enjoy your liberty! Gawin mo ang mga bagay na hindi mo nagagawa sa bahay!
- Humiga buong araw habang nanonood ng TV. Walang mambabawal sa’yo! Maging miyembro ng KTT (Kain, Tulog, Tae).
- Magpunta sa Internet Cafe at magkompyuter buong araw at magdamag kahit bukas ka pa umuwe… OKEY LANG!! (Ihanda ang tear gas para sa mga holdaper at rapist)
- Makipagbarkada at maglakwatsa all day long! OKEY LANG!!
- Kung lalake ka, MAMBABAE KA! Kung babae ka, MANLALAKE KA! OKEY LANG!!!
- Patulugin ang boyfriend/girlfriend sa apartment.. OKEY LANG!!
- Lahat, OKEY LANG!!! BUUWAHAHAHAHAAA!!
ANO? HOMESICK KA PA?!
(Wala akong ginawa kahit isa sa mga nabanggit sa itaas kaya ‘wag na ‘wag niyo akong isusumbong sa Mommy ko, ok??)
Yan ang tipid tips at iba’t ibang tricks na maaari niyong i-apply, mga kakosang dormsters! I-enjoy niyo ang liberty ninyo basta ‘wag lang papasobra ha? Basta lagi niyo lang tandaan na ang liberty is the statue of New York (weehhhh!!) See ya repapeeps!!
(Mas nababagay pa yatang maging ROTTEN.COM na lang ang title ng post na ‘to)
Mahiwagang Pag-ibig
November 20, 2006
Alam kong minsan pumasok na rin sa isip mo na "Puro naman walang kwenta tong post ni John" o kaya’y "Ano ba yan! ‘Di ako makarelate". Pwes, dito malamang makakarelate ka na. Bwisit ka.
Lahat naman tayo ay may kanya-kanyang kwento ng first love, first boyfriend, first crush, first kiss, first holdinghands, first -tooot-, first hug, first LQ, etc. Ako naman ay may kuwentong first humiliation to my crush. Naaalala ko pa noong Grade 2 ako, seatmate ko pa noon ang longest-lasting crush ko. Ipinagmayabang ko sa kanya na kapag nangulangot ako, maya maya lang ay dudugo na ang ilong ko (epistaxis ang medical term nito). Umaga pa lang kasi ng araw na ‘yon ay dalawang beses na kong nagnosebleed sa ganung paraan. At ganun na lang ang pagmamayabang ko no’n sa crush ko. Sinabi ko talaga ‘yun ha. "Uy! Tignan mo ‘to ha ‘pag nangulangot ako dudugo itong ilong ko… PROMISE! Tignan mo man. O eto ha…" O ‘di ba exotic. At yun, nagdial na nga ako ng 911-11-11 sa ilong ko. After a few moments, ayun na. Dumugo na nga. Nagpanic na ang mga kaklase ko. Nagpanic rin ang teacher ko at tinulungan ako mag wash-wash ng blood-blood sa aking nose-nose sabay tanong sa’kin, "Di ka ba naligo kanina?", "Male-late na kasi ako Ma’am eh…" Pagtapos n’on ay pinahiga ako sa mga table sa likuran para hindi na magpatuloy ang pagtulo ng dugo sa aking ilong (Waaaa anjologs ko huhuhu…). Bidang bida talaga ako nung araw na ‘yun. "Dear Crush, kung nababasa mo man ito ngayon, isipin mo na lang na hindi ikaw ang kinukuwento ko dito." Napahiya man ako, at least hindi ko katulad yung ibang mga bata na kinakain yung kulangot nila. Ako tinapon ko naman (binilog muna siyempre).
Alam ko naman sa itsura mong yan na hindi ito ang hangad mong love story na pagusapan dito. Gusto mo ba ng love story ko? Ayaw ko ngang magkwento. Confidential. Joking aside, kwentuhan ko na lang kayo ng mga natutunan ko sa school tungkol sa L-O-V-E…
"Mamahalin kita habambuhay. Aabutin ang mga tala. Tatawirin ang sapa. Tatalunin ko ang 23rd floor at aakyatin ang Mt. Everest ng walang oxygen tank mahal ko… Isusugal ko ang aking buhay, mapasa’kin ka lamang… Ipagtatanggol kita laban sa kampon ni Draco, aking irog…"
Mahiwagang pag-ibig nga naman oo. Hahamakin ang lahat maging akin ka lamang. Ngunit alam niyo ba kung bakit ganito na lamang kalakas ang ating loob basta ba minamahal na natin ang pinaguusapan? Alam niyo ba kung ano ang nagpapabilis ng tibok ng puso niyo at ang nagpapakilig at nagpapakilabot sa mga braso niyo? Ito ay dahil mataas ang level ng dopamine mo sa iyong katawan. Ito ay ang hormone na nagpapapuyat sa’yo sa kaiisip sa crush mo, ito ang nagpapalakas ng loob mo na magpropose sa kanya, ang nagbibigay sa’yo ng urge na makipaglabing-labing, etc. In short, passion and obsession.
Ngunit ang passion at obsession na ito ay hindi panghabambuhay. Ayon sa panulat ni Lauren Slater sa Feb ‘06 issue ng National Geographic, habang tumatagal, ang mataas na dopamine level ay ikapapagod na ng utak at magkakaroon ito ng tolerance. Isipin mo ang shabu addict na habang tumatagal ay padagdag ng padagdag ang hinihinging shabu ng katawan niya. Ganun din ang dopamine. Darating rin ang panahon na mai-immune ang utak natin dito at ito naman ay papalitan ng hormone na oxytocin.
Kung ang dopamine ay ang hormone ng passion and obsession, ang oxytocin naman ay hormone ng intimacy and companionship. ‘Di tulad ng bibo at maalab na dopamine, ang oxytocin ang nagbibigay sa’yo ng pakiramdam na kumportable ka sa asawa mo o sa long-time jowa mo, ‘di tulad noong mga batang sweet pa kayo at pa-twee-tums. Mataas ang oxytocin levels ng mga mag-asawa na ng mahabang panahon, ang mga nanay na nagpapadede ng anak (pareho silang naglalabas ng oxytocin nito), at ang pagbobonding ng magulang sa mga anak.
Kung susumahin:
- dopamine - sa mga in-love (first love, puppy love, newlyweds, etc.)
- oxytocin - sa mga may true love (long-term spouse, mga anak, alagang hayop, etc.)
Marami ang nagsasabi na ganyan lang pala tayong mga tao. Pawang mga robot. May mga hormones lang pala tayo na nagdidikta ng pag-ibig natin sa isang tao. Wala na ‘yung magic. Pero kung iisipin mong mabuti, bakit ba iintindihin mo pa ang mga itinuturo sa school at sa sinasabi ng National Geographic tungkol sa kung papaano ang siyensiya ng love? Isipin mo na lang na kung nagsasaliksik man sila kung papaano naaapektuhan ng love ang utak, hindi nila kailanman maipapaliwanag sa atin kung papaano nito naaapektuhan ang puso ng bawat isa sa atin na nagmamahal. Para sa akin, may magic talaga.
So ‘yon!
Sa mga hindi makarelate, sorry po at ‘di na po mauulit. Sa mga kaklase ko sa nursing school, sana lumabas ‘to sa board exam natin mga tsong!! (asa pa ko)
Kung love life ko naman ang tatanungin niyo, ikukuwento ko rin yan sa inyo next time.
SO LET’S ALL MAKE LOVE & NOT WAR!
Pacquiao Season
November 19, 2006
Pacquiao Season na naman! Sikat na sikat na naman si kapatid na Manny sa pagkaka-knockout sa kanyang karibal na si Eric Morales sa loob lamang ng tatlong round. Pagpunta roon, si Manny ang bukambibig. Pagpunta mo rito siya pa rin ang bukambibig. ‘Di mo na sila maawat. Manny fever is on the rise. Tiyak na maglilipana na naman ang pagmumukha ng ating bida sa mga TV commercials, guestings, interviews, at endorsements. Tunay nga namang para sa bayan ang prisyo natu.
Tuwing Pacquiao Season hindi naman talaga boxing ang pinakausong laro sa mga Pacquiao Fanatics. Pustahan. Ito ang mas nagpapasabik at nagpapadagdag thrill sa bawat round ng inaabangang boxing match ni Manny. Kung si Pacquiao ay may secret technique and strategy sa pamboboxing, ibang strategy naman ang alam ng ating mga kababayang fans. Papanoorin ang Live Telecast na laban ng alas-dose ng tanghali, at pagtapos ay pupuntahan ang mga kakilalang tricycle drivers na nanonood lamang ng delayed telecast sa Channel 2 na alas-dos pa ng hapon maguumpisa. Sila, sabik na sabik pumusta sa kalaban samantalang ikaw mismo, alam na kung sino ang panalo. Sure win nga naman ‘di ba. Kung nakauto ka, swerte mo. Pero kung nabuko ka, tumakbo ka na at ‘wag mo ng hintaying magtransform ala-Manny ang kapustahan mong ginoyo mo.
Ang Pacquiao Season ay para ring FIESTA. Yun ay applicable lamang kung nakacable ka (via pay-per-view). I-ready mo na ang mga upuan at sa mga ipapakain mo sa mga kapitbahay mong makikinood lang daw sa Live Telecast ninyo.
Ang Pacquiao Season rin ay parang Semana Santa. Kahit matulog ka sa hi-way ay ‘di ka mapapano dahil nagmistulang ghost town ang buong Pilipinas. Tahimik at nakakatakot sapagkat lahat ng tao ay nasa kanikanilang mga lungga at nakatutok sa kanilang mga TV.
Ang isa pang nakatutuwa sa Pacquiao Season ay ang mala-surround system na paghiyaw ng mga tao sa bawat maikno-knockdown ni Manny ang kalaban. HUUWOOOAAAHHH!!!!! Sigaw sa kanan. HUUWOOOAAAHHH!!!!! Sigaw sa kaliwa. Umaalingawngaw ang pagchicheer nila sa idolo. Kung naiirita ka rito ay itulog mo na lang dahil kahit saan ka tumakbo, centralized ang pag-HUUWOOOAAAHHH ng ating mga kababayan. Nakakapangilabot!
Bukod sa pagboboksing, pinasok na rin ni Manny ang entrepreneurship, ang recording industry (ikstrem! ikstrem! madsek seng!), ang pag-aartista, at bali-balita na rin na kinumpirma na ni Manny ang posibilidad na papasukin rin niya ang pulitika. Kung magiging Presidente man siya balang araw, may nailikha na ang ating mga kababayang blogger na bills if ever mang maging presidente siya ng bansa.
Sa kumpare ko nga palang si Manny. Congrats ulit chong! Nareceive mo ba yung text ko kanina? Kelan ka babalik ng ‘pinas? ‘Yun palang pangtuition ng inaanak mo ha walang tigil ang pagchicheer niya kanina sa’yo. Ang galing mo talaga kanina Manny! Kung alam mo lang ang pagpapahirap naming magnobena dito para lang manalo ka! Isabay mo na rin sa pag-uwi mo yung pinangako mong 60gb iPod sa’kin remember? Ikaw ha…^^ Utang na loob mo na lang sa’min ‘yon! Ingat!
Binyagan na ‘to!
November 17, 2006
CONGRATULATIONS!!
Hindi ikaw ang 1,000,000th visitor kundi isa ka sa mga mapalad at pinagpalang makakapagbasa nitong blog na to. Ihanda mo ang sarili mo sa walang kabuluhang katarantaduhang ihahatid ko para sa’yo, dude. At dahil ito ang kaunaunahan kong post, hayaan niyo muna akong magpakilala:
Ako si John Onofre G. Dizon (hindi ko apelyido ang Onofre, utang na loob kaibigan), 21 years old, isang nursing student ng Jose C. Feliciano College (The school for your future.. joke joke joke! <—ika nila). May gelpren na ako. Iisa lang siya. Wag kayong mag-alala at ipapakilala ko rin siya sa inyo. Di ko na pwedeng ibahagi sa inyo ang ibang impormasyon tungkol sa’kin dahil baka kidnapper ang isa sa inyo. Pero para mabigyan kayo ng magandang larawan tungkol sa aking pagkatao, sasabihin ko sa inyo ang 10 adjectives na madalas ipang describe ng mga kaibigan ko tungkol sakin:
10.) Tabingi ang ulo pakaliwa - Madalas kasi sa kanan ang mabigat kong shoulder bag. Siyempre babawiin ng ulo ko ang bigat kaya hahatak papuntang kaliwa. Pagkahubad ng bag, ayaw nang bumalik ng ulo.
Maaari ring dahil ito sa madalas kong pagsakay ng Philippine Rabbit. Tuwing sasakay papanhik sabay iwas sa TV ng bus.
9.) Bondats ang tiyan - Baket ikaw ba hinde? Pare-pareho lang tayo brads!
8.) Ulyanin - Memory gap? Drink Anlene.
7.) Matangkad - Sa height na 5′11”, lahat na lang ay tinatanong kung nagbabasketbol ba daw ako. FYI, di po ako marunong magbasketbol. At sa mga maliliit na laging humihingi ng tangkad sa akin, kayo’y kaawaan nawa at ipagdarasal ko na lamang kayo.
6.) Maitim - Di naman inborn ito. Nangitim lang talaga ako dahil sa swimming lessons nung Grade 4 (totoo naman eh!). Nababadtrip lang ako kasi para bang hindi na "in" ngayon ang tall, dark, and handsome.
5.) Matangos ilong - Namana ko sa Mommy ko. Sa apat na magkakapatid, ako na ang pinakasarat. Blacksheep of the family nose-ly speaking.
4.) Mahilig sa ******* - Guess the word!
3.) Madimples - ISA NA NGA LANG YUNG POSITIVE DI MO PA KO PAGBIBIGYAN??! Over ka naman, chong. Meron naman talaga e lumilitaw naman pero pilit lang. At least meron pa rin ‘di ba.
2.) Flat-footed - Eto marahil ang pinakamatibay na ebidensya na close relatives talaga nating mga tao ang mga apes (kung tao man ako). Sa haba na 11 inches, hindi proportional ang mga paa ko sa taas kong 5′11”. Kumbaga mayroon akong paang pang 6′3”. Astig din naman itong paa ko sabay sipa sa mukha ng kaaway mo dedbol agad. Drawback: Goodluck na lang sa paghanap ng magkakasyang sapatos sa’yo.
At ang champion sa lahat!!
1.) Malaki ang mata - Manhid na ko diyan noh. Tanggap ko na ang mga pintas na Cyclops, Kulagat, Flashlight, at Bart Simpson. Kung alam niyo lang gaano kasaya magkaroon ng mga matang tulad ng sakin, hindi niyo makikita ang mundo sa perspektibo ng paningin ng ating mga kaibigang ibon (aka Bird’s Eyeview). At masarap gumising sa umaga na kakaunti lang ang tatanggaling muta. Yun nga lang, lugi lang ako sa inyo pag mahangin, madaling mapuwing eh sagap ba naman neto lahat ng hangin.
Tao po ako. Sumosobra ka na ha! Grrrr…
O hayan pinangunahan ko na kayo. Next time magbubuhat na ko ng sarili kong bangko. Kung alam niyo lang kung gaano kadami ang nanliligaw sa’kin mainggit kayo! Pinagaagawan nila ako! (mga bading ‘yung mga manliligaw na ‘yun ni John)
Anyway, itong Online Tabletas ay hindi ibig sabihin na parang Biogesic na ‘pag may lagnat ka e iinumin mo. Wala rin itong kinalaman sa pagooral contraceptive pills ko (ooopss!!), at lalong wala rin itong kinalaman sa droga. Ang blog na ‘to ay likom ng mga daily experiences at perceptions ko. Tabletas from the root word tablet which was derived from the word table. Trip kong pangalanan ang blog ko ng ganito kaya pabayaan niyo na lang ako kung saan ako masaya.
So ‘yon. Kung may sasabihin ka pa, please feel free to click the comment button below this message. Salamat sa’yo kapatid!