Nakita ko sa net ang Blog ni Inday na usong uso at nagcicirculate na ngayon sa mga email at kahit na sa karumal dumal na show ng Zaido ay pilit ginagaya sa katauhan ni Patricia Ismael aka Inday, the English speaking tsimimay. Minsan rin syang lumabas sa Bubble Gang played by Maureen Larazzabal. Tuwing makakausap nya ang amo nya ay unti-unti nyang paduduguin ang ilong nito gamit ang kanyang hifalutin words. Corny yung sa Channel 7 pero basahin nyo yung blog link sa taas at patok pa rin naman pala si Inday.^^

Anyway, kaya ko naman talaga ito pinost dahil gusto kong iboto ang mga humor blogs na pwede nating isali sa Project Lafftrip Laffapalooza ng kwentongbarbero.com. Eto ang list ko:

1 - Kamote Force by Clarence Garcia (ang aking idol aka Bob Ong Jr.)
2 - Munting Blog ni Agi by Agi Armentia (ang 2nd idol ko dahil magaling sa html)
3 - Blog ni Inday by these people

at syempre, dahil may papremyong Nokia N70 ME (what?!!), Sony Cybershot DigiCam (whaaattt??!!), at P15,000 cash (HUUUWAAATTT??!!!), at dahil wala akong kahit ano sa mga nabanggit ay isasama ko na rin ang blog ko ^^

4 - Online Tabletas by Humblejowdie (ang idol ng April Boys)

Maaari kayong bumoto tulad sa paraan ng ginawa ko ngayon (rules). At tulad ng dati, ang hindi bumoto sa amin ay magkaka-almoranas ulit (joke lang!) Palaguin natin ang Philippine Humor Blog Industry! (huh?!)

Yehey!

(Enjoy ako sa pagco-copy paste kaya’t punong puno ng links ang post na to.)

5 Responses to “Project Lafftrip Laffapalooza”

  1.   nAegiLac said:

    kuya j0hn.. pan0 ba bum0to? para nMn mabot0 q ung bl0g mo…
    kuya gust0 m0 din pla c b0b onG..? hEhe’…supEr id0l q xa!!! nung h.skuL aq adiK kme ng mga clasm8 q sa pagbabasa ng mga buks nya…ang sarap kc basahin, nakakaaLiw prang kausap m0 lng xa hbang bnabasa m0..ü
    anG ganda tlga ng bl0g m0 kuya j0hn…iDoL tlga ktA!!!ü

  2.   John said:

    Angelika follow mo po rules dito >> http://kwentongbarbero.com/project-lafftrip-laffapallooza/. Kailangan may blog ka rin tas gayahin mo lang pagpost ko dito (list of votes mo, maximum of 5 votes). MARAMING SALAMAT! Yebahh!!

  3.   James Andrei said:

    nagtataka lang ako kung bakit hindi nasali sa list mo ang “Jankasphere”… hindi mo pa siguro na-visit…

    http://jankasphere.blogspot.com ang url..

    anyway, nice blog.. dami mo nang adverts huh… :p

  4.   Clarence said:

    Manong! Salamat sa nomination ha. Mwamwa kita. I heart you so muchoooooo! MWA!

    Update naman diyan!

  5.   Annoyed said:

    Baka iboto kita Jowdie dahil paborito ko ang Dorm~SWEET~Dorm blog entry mo.

    -Naruto fr. Pangya PH (kung natatandaan mo pa)

Leave a Reply