The Escalator Man

November 29, 2007

Wala na sigurong tatalo sa’kin sa pagkatuwa ko tuwing
makakakita ako ng escalator. Kung tatanungin mo nga ako ngayon, masasabi ko
talagang mas mataas pa ang pagtingin ko sa nagimbento ng escalator kesa sa
gumawa ng PSP at iPhone at talagang to the highest level ang paggalang at
pasasalamat ko sa kanya.

Hindi naman sa dahil bano ako tulad ng mga first time na
nakasakay ng escalator. Like an oasis in a desert. Like a child to her mother.
Like a streetchild to his rugby.  Like Juday to Wowee. Talagang pinapaginhawa lang ng mga escalator
ang buhay ko. Hindi ko alam kung matatawa ba ko sa sarili ko o maaawa, pero
sasabihin ko na sa inyo dahil kailangang sabihin.. para hindi mabakante ang
blog ko.

O eto na!

Nadevelop ang takot ko sa mga matataas na stairs mula nung
minsang papanhik ako at na out-of-balance ako at muntikan na kong
bumaliktad. Pinawisan talaga ko ng malamig, nagpalpitate ang dibdib ko, at
halos matae na ko sa kaba. Akala ko masisilayan ko na si San Pedro. Pero dahil
isa ko sa masasamang damo e nakakapit ako sa railing. Phew!

Pagtapos ng insidenteng yon, tuloy tuloy na. Mas pipiliin ko
pa ang i-embrace si Sadako sa pagtulog, o harapin ang sanib pwersa nina Chaka
Doll at Tsokoleyt kaysa sa papanhikin mo ko sa nagtataasang mga hagdan sa mall,
overpass, at LRT.

Nung minsang kasama ko ang
gelpren ko sa mall ay papanhik kami ng 2nd floor. Malayo ang escalator at
kaharap na namin ang hagdan. Ang pinakamasama pa dito e may open space sa bawat
step, so kita mo talaga yung ilalim pag mataas ka na. Sige! Laban! Mayabang ako
e. Pagdating sa gitnang baitang e nangangatog na ang tuhod ko at nahihilo na
ko. "Tingin ka sa taas para wag ka malula" sabi ng gelpren ko, pero
lalo ako nahilo nang ginawa ko yun at hayun na! Natisod at napaluhod na ko!
Syet! Dami pa namang tao nun. Nakakahiya! I’m so jologs. Kaya kahit umuulan,
kahit gaano pa kabasa, kaputik, o kadumi ang railing ng hagdan e kakapitan ko
talaga yun.

1462524510_28faebcf48_2

Pero wag ka. Pag pababa ng stairs e mayabang naman ako at di
ako takot tulad ng sa normal na tao. Ewan ko basta pag pataas lang talaga. Lab
na lab ko ang LRT2 at D. Jose station sa LRT
at hate na hate ko na ang iba dahil wala silang escalator. Mas pipiliin ko pa
ang mag-jaywalking kesa mag-overpass.

Nakakabwisit talaga. Di ko alam kung bawas na ba pagkalalaki
ko o ano (labyu pre). Nahihiya lang talaga ako kasi ansama naman ng pagkamatay
ko kung sa ganung bagay lang ako madededo. Ano na lang ang sasabihin nila sa
lamay ko.. "Ows talaga? Namatay dahil na out-of-balance lang sa hagdan? Ay
tanga." << ulul mo.

Malamang sa mga makakapagbasa nito (kung meron pa!) sasabihin
mo siguro, "Face your fear, pare!" Lahat na lang yun ang sinasabi
saken. Pwes eto sasabihin ko sa’yo:

Che! Magisa ka!

Sa escalator na lang ako bro.

(Labyu.)

Leave a Reply