Binyagan na ‘to!
November 17, 2006
CONGRATULATIONS!!
Hindi ikaw ang 1,000,000th visitor kundi isa ka sa mga mapalad at pinagpalang makakapagbasa nitong blog na to. Ihanda mo ang sarili mo sa walang kabuluhang katarantaduhang ihahatid ko para sa’yo, dude. At dahil ito ang kaunaunahan kong post, hayaan niyo muna akong magpakilala:
Ako si John Onofre G. Dizon (hindi ko apelyido ang Onofre, utang na loob kaibigan), 21 years old, isang nursing student ng Jose C. Feliciano College (The school for your future.. joke joke joke! <—ika nila). May gelpren na ako. Iisa lang siya. Wag kayong mag-alala at ipapakilala ko rin siya sa inyo. Di ko na pwedeng ibahagi sa inyo ang ibang impormasyon tungkol sa’kin dahil baka kidnapper ang isa sa inyo. Pero para mabigyan kayo ng magandang larawan tungkol sa aking pagkatao, sasabihin ko sa inyo ang 10 adjectives na madalas ipang describe ng mga kaibigan ko tungkol sakin:
10.) Tabingi ang ulo pakaliwa - Madalas kasi sa kanan ang mabigat kong shoulder bag. Siyempre babawiin ng ulo ko ang bigat kaya hahatak papuntang kaliwa. Pagkahubad ng bag, ayaw nang bumalik ng ulo.
Maaari ring dahil ito sa madalas kong pagsakay ng Philippine Rabbit. Tuwing sasakay papanhik sabay iwas sa TV ng bus.
9.) Bondats ang tiyan - Baket ikaw ba hinde? Pare-pareho lang tayo brads!
8.) Ulyanin - Memory gap? Drink Anlene.
7.) Matangkad - Sa height na 5′11”, lahat na lang ay tinatanong kung nagbabasketbol ba daw ako. FYI, di po ako marunong magbasketbol. At sa mga maliliit na laging humihingi ng tangkad sa akin, kayo’y kaawaan nawa at ipagdarasal ko na lamang kayo.
6.) Maitim - Di naman inborn ito. Nangitim lang talaga ako dahil sa swimming lessons nung Grade 4 (totoo naman eh!). Nababadtrip lang ako kasi para bang hindi na "in" ngayon ang tall, dark, and handsome.
5.) Matangos ilong - Namana ko sa Mommy ko. Sa apat na magkakapatid, ako na ang pinakasarat. Blacksheep of the family nose-ly speaking.
4.) Mahilig sa ******* - Guess the word!
3.) Madimples - ISA NA NGA LANG YUNG POSITIVE DI MO PA KO PAGBIBIGYAN??! Over ka naman, chong. Meron naman talaga e lumilitaw naman pero pilit lang. At least meron pa rin ‘di ba.
2.) Flat-footed - Eto marahil ang pinakamatibay na ebidensya na close relatives talaga nating mga tao ang mga apes (kung tao man ako). Sa haba na 11 inches, hindi proportional ang mga paa ko sa taas kong 5′11”. Kumbaga mayroon akong paang pang 6′3”. Astig din naman itong paa ko sabay sipa sa mukha ng kaaway mo dedbol agad. Drawback: Goodluck na lang sa paghanap ng magkakasyang sapatos sa’yo.
At ang champion sa lahat!!
1.) Malaki ang mata - Manhid na ko diyan noh. Tanggap ko na ang mga pintas na Cyclops, Kulagat, Flashlight, at Bart Simpson. Kung alam niyo lang gaano kasaya magkaroon ng mga matang tulad ng sakin, hindi niyo makikita ang mundo sa perspektibo ng paningin ng ating mga kaibigang ibon (aka Bird’s Eyeview). At masarap gumising sa umaga na kakaunti lang ang tatanggaling muta. Yun nga lang, lugi lang ako sa inyo pag mahangin, madaling mapuwing eh sagap ba naman neto lahat ng hangin.
Tao po ako. Sumosobra ka na ha! Grrrr…
O hayan pinangunahan ko na kayo. Next time magbubuhat na ko ng sarili kong bangko. Kung alam niyo lang kung gaano kadami ang nanliligaw sa’kin mainggit kayo! Pinagaagawan nila ako! (mga bading ‘yung mga manliligaw na ‘yun ni John)
Anyway, itong Online Tabletas ay hindi ibig sabihin na parang Biogesic na ‘pag may lagnat ka e iinumin mo. Wala rin itong kinalaman sa pagooral contraceptive pills ko (ooopss!!), at lalong wala rin itong kinalaman sa droga. Ang blog na ‘to ay likom ng mga daily experiences at perceptions ko. Tabletas from the root word tablet which was derived from the word table. Trip kong pangalanan ang blog ko ng ganito kaya pabayaan niyo na lang ako kung saan ako masaya.
So ‘yon. Kung may sasabihin ka pa, please feel free to click the comment button below this message. Salamat sa’yo kapatid!
November 17th, 2006 at 8:02 am
Tulad mo. Wala rin akong balak maglaro ng basketball. Boring masyado sakin ang basketball. Nakakagago. Mas gusto ko yung exciting na mga laro gaya ng chess at scrabble.
November 18th, 2006 at 11:05 pm
Yo idol Kamote!
Salamat sa bwena manong comment!
Oo tama ka ayoko sayangin ang tangkad ko sa basketbol. Mas mainam siguro kung gamitin ko na lang ito sa mga larong sure-win ako tulad ng pukpok-palayok at pabitin.
Productive!
November 30th, 2006 at 3:18 am
akala ko rin john onofre ang apelido mo kaya pala di kita ma search kc onofre ang nilagay ko hehhehehe!!! tanga ko no nakalimutan ko kc dizon pala..parang kulang ang info mo ??? wala yung lahing chinese… o diba???? flat footed pala u… sabi nila tamad pag ganon…oo nga pala parang ngayon ko lang napansin yung tabngi ang ulo mong pakaliwa nga noh cgoro naka gawian mo nalang yon..
November 30th, 2006 at 1:19 pm
Ay oo nga pala nalimutan ko yun noh.
Hindi nga pala ko talaga Pinoy. Chinese po ako.
Malaki lang talaga mata ko kasi nung 3yrs. old ako niloko ako ng kapatid ko. Sabi nya, “BOO!!”
December 7th, 2006 at 9:09 pm
nice…i love the x men…ahihihi…wala ba si havoc dyan???or si jubilee?
March 13th, 2007 at 7:32 pm
ui…ayos blog mo ah,,,.ehe