Mahiwagang Pag-ibig
November 20, 2006
Alam kong minsan pumasok na rin sa isip mo na "Puro naman walang kwenta tong post ni John" o kaya’y "Ano ba yan! ‘Di ako makarelate". Pwes, dito malamang makakarelate ka na. Bwisit ka.
Lahat naman tayo ay may kanya-kanyang kwento ng first love, first boyfriend, first crush, first kiss, first holdinghands, first -tooot-, first hug, first LQ, etc. Ako naman ay may kuwentong first humiliation to my crush. Naaalala ko pa noong Grade 2 ako, seatmate ko pa noon ang longest-lasting crush ko. Ipinagmayabang ko sa kanya na kapag nangulangot ako, maya maya lang ay dudugo na ang ilong ko (epistaxis ang medical term nito). Umaga pa lang kasi ng araw na ‘yon ay dalawang beses na kong nagnosebleed sa ganung paraan. At ganun na lang ang pagmamayabang ko no’n sa crush ko. Sinabi ko talaga ‘yun ha. "Uy! Tignan mo ‘to ha ‘pag nangulangot ako dudugo itong ilong ko… PROMISE! Tignan mo man. O eto ha…" O ‘di ba exotic. At yun, nagdial na nga ako ng 911-11-11 sa ilong ko. After a few moments, ayun na. Dumugo na nga. Nagpanic na ang mga kaklase ko. Nagpanic rin ang teacher ko at tinulungan ako mag wash-wash ng blood-blood sa aking nose-nose sabay tanong sa’kin, "Di ka ba naligo kanina?", "Male-late na kasi ako Ma’am eh…" Pagtapos n’on ay pinahiga ako sa mga table sa likuran para hindi na magpatuloy ang pagtulo ng dugo sa aking ilong (Waaaa anjologs ko huhuhu…). Bidang bida talaga ako nung araw na ‘yun. "Dear Crush, kung nababasa mo man ito ngayon, isipin mo na lang na hindi ikaw ang kinukuwento ko dito." Napahiya man ako, at least hindi ko katulad yung ibang mga bata na kinakain yung kulangot nila. Ako tinapon ko naman (binilog muna siyempre).
Alam ko naman sa itsura mong yan na hindi ito ang hangad mong love story na pagusapan dito. Gusto mo ba ng love story ko? Ayaw ko ngang magkwento. Confidential. Joking aside, kwentuhan ko na lang kayo ng mga natutunan ko sa school tungkol sa L-O-V-E…
"Mamahalin kita habambuhay. Aabutin ang mga tala. Tatawirin ang sapa. Tatalunin ko ang 23rd floor at aakyatin ang Mt. Everest ng walang oxygen tank mahal ko… Isusugal ko ang aking buhay, mapasa’kin ka lamang… Ipagtatanggol kita laban sa kampon ni Draco, aking irog…"
Mahiwagang pag-ibig nga naman oo. Hahamakin ang lahat maging akin ka lamang. Ngunit alam niyo ba kung bakit ganito na lamang kalakas ang ating loob basta ba minamahal na natin ang pinaguusapan? Alam niyo ba kung ano ang nagpapabilis ng tibok ng puso niyo at ang nagpapakilig at nagpapakilabot sa mga braso niyo? Ito ay dahil mataas ang level ng dopamine mo sa iyong katawan. Ito ay ang hormone na nagpapapuyat sa’yo sa kaiisip sa crush mo, ito ang nagpapalakas ng loob mo na magpropose sa kanya, ang nagbibigay sa’yo ng urge na makipaglabing-labing, etc. In short, passion and obsession.
Ngunit ang passion at obsession na ito ay hindi panghabambuhay. Ayon sa panulat ni Lauren Slater sa Feb ‘06 issue ng National Geographic, habang tumatagal, ang mataas na dopamine level ay ikapapagod na ng utak at magkakaroon ito ng tolerance. Isipin mo ang shabu addict na habang tumatagal ay padagdag ng padagdag ang hinihinging shabu ng katawan niya. Ganun din ang dopamine. Darating rin ang panahon na mai-immune ang utak natin dito at ito naman ay papalitan ng hormone na oxytocin.
Kung ang dopamine ay ang hormone ng passion and obsession, ang oxytocin naman ay hormone ng intimacy and companionship. ‘Di tulad ng bibo at maalab na dopamine, ang oxytocin ang nagbibigay sa’yo ng pakiramdam na kumportable ka sa asawa mo o sa long-time jowa mo, ‘di tulad noong mga batang sweet pa kayo at pa-twee-tums. Mataas ang oxytocin levels ng mga mag-asawa na ng mahabang panahon, ang mga nanay na nagpapadede ng anak (pareho silang naglalabas ng oxytocin nito), at ang pagbobonding ng magulang sa mga anak.
Kung susumahin:
- dopamine - sa mga in-love (first love, puppy love, newlyweds, etc.)
- oxytocin - sa mga may true love (long-term spouse, mga anak, alagang hayop, etc.)
Marami ang nagsasabi na ganyan lang pala tayong mga tao. Pawang mga robot. May mga hormones lang pala tayo na nagdidikta ng pag-ibig natin sa isang tao. Wala na ‘yung magic. Pero kung iisipin mong mabuti, bakit ba iintindihin mo pa ang mga itinuturo sa school at sa sinasabi ng National Geographic tungkol sa kung papaano ang siyensiya ng love? Isipin mo na lang na kung nagsasaliksik man sila kung papaano naaapektuhan ng love ang utak, hindi nila kailanman maipapaliwanag sa atin kung papaano nito naaapektuhan ang puso ng bawat isa sa atin na nagmamahal. Para sa akin, may magic talaga.
So ‘yon!
Sa mga hindi makarelate, sorry po at ‘di na po mauulit. Sa mga kaklase ko sa nursing school, sana lumabas ‘to sa board exam natin mga tsong!! (asa pa ko)
Kung love life ko naman ang tatanungin niyo, ikukuwento ko rin yan sa inyo next time.
SO LET’S ALL MAKE LOVE & NOT WAR!
Pacquiao Season
November 19, 2006
Pacquiao Season na naman! Sikat na sikat na naman si kapatid na Manny sa pagkaka-knockout sa kanyang karibal na si Eric Morales sa loob lamang ng tatlong round. Pagpunta roon, si Manny ang bukambibig. Pagpunta mo rito siya pa rin ang bukambibig. ‘Di mo na sila maawat. Manny fever is on the rise. Tiyak na maglilipana na naman ang pagmumukha ng ating bida sa mga TV commercials, guestings, interviews, at endorsements. Tunay nga namang para sa bayan ang prisyo natu.
Tuwing Pacquiao Season hindi naman talaga boxing ang pinakausong laro sa mga Pacquiao Fanatics. Pustahan. Ito ang mas nagpapasabik at nagpapadagdag thrill sa bawat round ng inaabangang boxing match ni Manny. Kung si Pacquiao ay may secret technique and strategy sa pamboboxing, ibang strategy naman ang alam ng ating mga kababayang fans. Papanoorin ang Live Telecast na laban ng alas-dose ng tanghali, at pagtapos ay pupuntahan ang mga kakilalang tricycle drivers na nanonood lamang ng delayed telecast sa Channel 2 na alas-dos pa ng hapon maguumpisa. Sila, sabik na sabik pumusta sa kalaban samantalang ikaw mismo, alam na kung sino ang panalo. Sure win nga naman ‘di ba. Kung nakauto ka, swerte mo. Pero kung nabuko ka, tumakbo ka na at ‘wag mo ng hintaying magtransform ala-Manny ang kapustahan mong ginoyo mo.
Ang Pacquiao Season ay para ring FIESTA. Yun ay applicable lamang kung nakacable ka (via pay-per-view). I-ready mo na ang mga upuan at sa mga ipapakain mo sa mga kapitbahay mong makikinood lang daw sa Live Telecast ninyo.
Ang Pacquiao Season rin ay parang Semana Santa. Kahit matulog ka sa hi-way ay ‘di ka mapapano dahil nagmistulang ghost town ang buong Pilipinas. Tahimik at nakakatakot sapagkat lahat ng tao ay nasa kanikanilang mga lungga at nakatutok sa kanilang mga TV.
Ang isa pang nakatutuwa sa Pacquiao Season ay ang mala-surround system na paghiyaw ng mga tao sa bawat maikno-knockdown ni Manny ang kalaban. HUUWOOOAAAHHH!!!!! Sigaw sa kanan. HUUWOOOAAAHHH!!!!! Sigaw sa kaliwa. Umaalingawngaw ang pagchicheer nila sa idolo. Kung naiirita ka rito ay itulog mo na lang dahil kahit saan ka tumakbo, centralized ang pag-HUUWOOOAAAHHH ng ating mga kababayan. Nakakapangilabot!
Bukod sa pagboboksing, pinasok na rin ni Manny ang entrepreneurship, ang recording industry (ikstrem! ikstrem! madsek seng!), ang pag-aartista, at bali-balita na rin na kinumpirma na ni Manny ang posibilidad na papasukin rin niya ang pulitika. Kung magiging Presidente man siya balang araw, may nailikha na ang ating mga kababayang blogger na bills if ever mang maging presidente siya ng bansa.
Sa kumpare ko nga palang si Manny. Congrats ulit chong! Nareceive mo ba yung text ko kanina? Kelan ka babalik ng ‘pinas? ‘Yun palang pangtuition ng inaanak mo ha walang tigil ang pagchicheer niya kanina sa’yo. Ang galing mo talaga kanina Manny! Kung alam mo lang ang pagpapahirap naming magnobena dito para lang manalo ka! Isabay mo na rin sa pag-uwi mo yung pinangako mong 60gb iPod sa’kin remember? Ikaw ha…^^ Utang na loob mo na lang sa’min ‘yon! Ingat!
Binyagan na ‘to!
November 17, 2006
CONGRATULATIONS!!
Hindi ikaw ang 1,000,000th visitor kundi isa ka sa mga mapalad at pinagpalang makakapagbasa nitong blog na to. Ihanda mo ang sarili mo sa walang kabuluhang katarantaduhang ihahatid ko para sa’yo, dude. At dahil ito ang kaunaunahan kong post, hayaan niyo muna akong magpakilala:
Ako si John Onofre G. Dizon (hindi ko apelyido ang Onofre, utang na loob kaibigan), 21 years old, isang nursing student ng Jose C. Feliciano College (The school for your future.. joke joke joke! <—ika nila). May gelpren na ako. Iisa lang siya. Wag kayong mag-alala at ipapakilala ko rin siya sa inyo. Di ko na pwedeng ibahagi sa inyo ang ibang impormasyon tungkol sa’kin dahil baka kidnapper ang isa sa inyo. Pero para mabigyan kayo ng magandang larawan tungkol sa aking pagkatao, sasabihin ko sa inyo ang 10 adjectives na madalas ipang describe ng mga kaibigan ko tungkol sakin:
10.) Tabingi ang ulo pakaliwa - Madalas kasi sa kanan ang mabigat kong shoulder bag. Siyempre babawiin ng ulo ko ang bigat kaya hahatak papuntang kaliwa. Pagkahubad ng bag, ayaw nang bumalik ng ulo.
Maaari ring dahil ito sa madalas kong pagsakay ng Philippine Rabbit. Tuwing sasakay papanhik sabay iwas sa TV ng bus.
9.) Bondats ang tiyan - Baket ikaw ba hinde? Pare-pareho lang tayo brads!
8.) Ulyanin - Memory gap? Drink Anlene.
7.) Matangkad - Sa height na 5′11”, lahat na lang ay tinatanong kung nagbabasketbol ba daw ako. FYI, di po ako marunong magbasketbol. At sa mga maliliit na laging humihingi ng tangkad sa akin, kayo’y kaawaan nawa at ipagdarasal ko na lamang kayo.
6.) Maitim - Di naman inborn ito. Nangitim lang talaga ako dahil sa swimming lessons nung Grade 4 (totoo naman eh!). Nababadtrip lang ako kasi para bang hindi na "in" ngayon ang tall, dark, and handsome.
5.) Matangos ilong - Namana ko sa Mommy ko. Sa apat na magkakapatid, ako na ang pinakasarat. Blacksheep of the family nose-ly speaking.
4.) Mahilig sa ******* - Guess the word!
3.) Madimples - ISA NA NGA LANG YUNG POSITIVE DI MO PA KO PAGBIBIGYAN??! Over ka naman, chong. Meron naman talaga e lumilitaw naman pero pilit lang. At least meron pa rin ‘di ba.
2.) Flat-footed - Eto marahil ang pinakamatibay na ebidensya na close relatives talaga nating mga tao ang mga apes (kung tao man ako). Sa haba na 11 inches, hindi proportional ang mga paa ko sa taas kong 5′11”. Kumbaga mayroon akong paang pang 6′3”. Astig din naman itong paa ko sabay sipa sa mukha ng kaaway mo dedbol agad. Drawback: Goodluck na lang sa paghanap ng magkakasyang sapatos sa’yo.
At ang champion sa lahat!!
1.) Malaki ang mata - Manhid na ko diyan noh. Tanggap ko na ang mga pintas na Cyclops, Kulagat, Flashlight, at Bart Simpson. Kung alam niyo lang gaano kasaya magkaroon ng mga matang tulad ng sakin, hindi niyo makikita ang mundo sa perspektibo ng paningin ng ating mga kaibigang ibon (aka Bird’s Eyeview). At masarap gumising sa umaga na kakaunti lang ang tatanggaling muta. Yun nga lang, lugi lang ako sa inyo pag mahangin, madaling mapuwing eh sagap ba naman neto lahat ng hangin.
Tao po ako. Sumosobra ka na ha! Grrrr…
O hayan pinangunahan ko na kayo. Next time magbubuhat na ko ng sarili kong bangko. Kung alam niyo lang kung gaano kadami ang nanliligaw sa’kin mainggit kayo! Pinagaagawan nila ako! (mga bading ‘yung mga manliligaw na ‘yun ni John)
Anyway, itong Online Tabletas ay hindi ibig sabihin na parang Biogesic na ‘pag may lagnat ka e iinumin mo. Wala rin itong kinalaman sa pagooral contraceptive pills ko (ooopss!!), at lalong wala rin itong kinalaman sa droga. Ang blog na ‘to ay likom ng mga daily experiences at perceptions ko. Tabletas from the root word tablet which was derived from the word table. Trip kong pangalanan ang blog ko ng ganito kaya pabayaan niyo na lang ako kung saan ako masaya.
So ‘yon. Kung may sasabihin ka pa, please feel free to click the comment button below this message. Salamat sa’yo kapatid!