Manalo ng Cybershot Digicam or P500 load!
January 22, 2009

Magregister na sa Sulit.com at magkaroon ng chance manalo ng Sony CyberShot T77 Ultra-Slim Digital Camera or P500 cash or load kapag sumali ka sa weekly raffle!
Sali na sa pinakamalaking Philippine BUY & SELL website.
Libre lang magpost ng advertisements!
Click mo lang ang REGISTER sa upper right-hand corner ng website.
SALAMAT KAPATID!
Project Lafftrip Laffapalooza
December 8, 2007
Nakita ko sa net ang Blog ni Inday na usong uso at nagcicirculate na ngayon sa mga email at kahit na sa karumal dumal na show ng Zaido ay pilit ginagaya sa katauhan ni Patricia Ismael aka Inday, the English speaking tsimimay. Minsan rin syang lumabas sa Bubble Gang played by Maureen Larazzabal. Tuwing makakausap nya ang amo nya ay unti-unti nyang paduduguin ang ilong nito gamit ang kanyang hifalutin words. Corny yung sa Channel 7 pero basahin nyo yung blog link sa taas at patok pa rin naman pala si Inday.^^
Anyway, kaya ko naman talaga ito pinost dahil gusto kong iboto ang mga humor blogs na pwede nating isali sa Project Lafftrip Laffapalooza ng kwentongbarbero.com. Eto ang list ko:
1 - Kamote Force by Clarence Garcia (ang aking idol aka Bob Ong Jr.)
2 - Munting Blog ni Agi by Agi Armentia (ang 2nd idol ko dahil magaling sa html)
3 - Blog ni Inday by these people
at syempre, dahil may papremyong Nokia N70 ME (what?!!), Sony Cybershot DigiCam (whaaattt??!!), at P15,000 cash (HUUUWAAATTT??!!!), at dahil wala akong kahit ano sa mga nabanggit ay isasama ko na rin ang blog ko ^^
4 - Online Tabletas by Humblejowdie (ang idol ng April Boys)
Maaari kayong bumoto tulad sa paraan ng ginawa ko ngayon (rules). At tulad ng dati, ang hindi bumoto sa amin ay magkaka-almoranas ulit (joke lang!) Palaguin natin ang Philippine Humor Blog Industry! (huh?!)
Yehey!
(Enjoy ako sa pagco-copy paste kaya’t punong puno ng links ang post na to.)
The Escalator Man
November 29, 2007
Wala na sigurong tatalo sa’kin sa pagkatuwa ko tuwing
makakakita ako ng escalator. Kung tatanungin mo nga ako ngayon, masasabi ko
talagang mas mataas pa ang pagtingin ko sa nagimbento ng escalator kesa sa
gumawa ng PSP at iPhone at talagang to the highest level ang paggalang at
pasasalamat ko sa kanya.
Hindi naman sa dahil bano ako tulad ng mga first time na
nakasakay ng escalator. Like an oasis in a desert. Like a child to her mother.
Like a streetchild to his rugby. Like Juday to Wowee. Talagang pinapaginhawa lang ng mga escalator
ang buhay ko. Hindi ko alam kung matatawa ba ko sa sarili ko o maaawa, pero
sasabihin ko na sa inyo dahil kailangang sabihin.. para hindi mabakante ang
blog ko.
O eto na!
Nadevelop ang takot ko sa mga matataas na stairs mula nung
minsang papanhik ako at na out-of-balance ako at muntikan na kong
bumaliktad. Pinawisan talaga ko ng malamig, nagpalpitate ang dibdib ko, at
halos matae na ko sa kaba. Akala ko masisilayan ko na si San Pedro. Pero dahil
isa ko sa masasamang damo e nakakapit ako sa railing. Phew!
Pagtapos ng insidenteng yon, tuloy tuloy na. Mas pipiliin ko
pa ang i-embrace si Sadako sa pagtulog, o harapin ang sanib pwersa nina Chaka
Doll at Tsokoleyt kaysa sa papanhikin mo ko sa nagtataasang mga hagdan sa mall,
overpass, at LRT.
Nung minsang kasama ko ang
gelpren ko sa mall ay papanhik kami ng 2nd floor. Malayo ang escalator at
kaharap na namin ang hagdan. Ang pinakamasama pa dito e may open space sa bawat
step, so kita mo talaga yung ilalim pag mataas ka na. Sige! Laban! Mayabang ako
e. Pagdating sa gitnang baitang e nangangatog na ang tuhod ko at nahihilo na
ko. "Tingin ka sa taas para wag ka malula" sabi ng gelpren ko, pero
lalo ako nahilo nang ginawa ko yun at hayun na! Natisod at napaluhod na ko!
Syet! Dami pa namang tao nun. Nakakahiya! I’m so jologs. Kaya kahit umuulan,
kahit gaano pa kabasa, kaputik, o kadumi ang railing ng hagdan e kakapitan ko
talaga yun.
Pero wag ka. Pag pababa ng stairs e mayabang naman ako at di
ako takot tulad ng sa normal na tao. Ewan ko basta pag pataas lang talaga. Lab
na lab ko ang LRT2 at D. Jose station sa LRT
at hate na hate ko na ang iba dahil wala silang escalator. Mas pipiliin ko pa
ang mag-jaywalking kesa mag-overpass.
Nakakabwisit talaga. Di ko alam kung bawas na ba pagkalalaki
ko o ano (labyu pre). Nahihiya lang talaga ako kasi ansama naman ng pagkamatay
ko kung sa ganung bagay lang ako madededo. Ano na lang ang sasabihin nila sa
lamay ko.. "Ows talaga? Namatay dahil na out-of-balance lang sa hagdan? Ay
tanga." << ulul mo.
Malamang sa mga makakapagbasa nito (kung meron pa!) sasabihin
mo siguro, "Face your fear, pare!" Lahat na lang yun ang sinasabi
saken. Pwes eto sasabihin ko sa’yo:
Che! Magisa ka!
Sa escalator na lang ako bro.
(Labyu.)
Mr. Procrastination
September 15, 2007
Huwaww!!
I’m back! Pitong buwan rin ako di nakapag-update ng blog na to (kahit ako lang naman ang nagbabasa). At dahil katatapos lang ng aming madugong semi-final exam e sa tingin ko eto ang tamang panahon para naman makapagrelax at magpost ng panibagong entry dito. "To counter stress" ika nga.
Medyo nakahinga na rin ako ng maluwag lately dahil tapos na nga ang exams at tapos na rin ang aming thesis. Kahit alam kong bagsak bagsak ang tests ko, kahit papaano e makakapagrelax na rin ako dahil nabawasan na rin sa wakas ng kaunti ang stress sa ulo ko. Great relief.
Opo. Bagsak bagsak nga my friend. Di ko ba alam kung bakit magmula ng Grade 4 ako hanggang umabot ako ng 4th year college e parang ngayon lang ulit ako nag-aral ng lessons ko. Mula kindergarten hanggang Grade 3 kasi ay nirereview ako lagi ni mamoo sa mga lessons ko.=p Mister Juan Tamad kumbaga. Pero luma na yon. Mr. Procrastination ang gusto ko, sossy eh! Charing.
MaƱana habit ang katumbas sa atin nito. Ito yung tipong:
"Ok class. Very very long test tomorrow 200 items!"
~Ok!
(Uuwi. Kakain. Magfe-friendster. Magge-games. Manonood ng ****.)
~Ok! it’s 9pm! Time to open my book!
(Open my book. Antok antok. Close my book)
~Promise gigising ako ng 1am para mag-aral!
Hindi ka nga naman makakaaral pag inaantok ka.
1am:
*TITITITEEEET! TITITITEEET! TITITITEEET!*
~Uhrrrmmmm… zZNGORK! (snooze)
1:30am
*TITITITEEEET! TITITITEEET! TITITITEEET!*
~Uhrrrmmmm… zZZzz… mimimimyiwww…(snooze)
3:30am
*TITITITEEEET! TITITITEEET! TITITITEEET!*
~Uhrrrmmmm… urhhm.. dianahh…. diana zubiriiii….(snooze)
5:00am
*TITITITEEEET! TITITITEEET! TITITITEEET!*
~Uhrrrmmmm… (snooze) TETUT! TETUT! (<–naglalako na si pandesal boy)
7:30am
*TITITITEEEET! TITITITEEET! TITITITEEET!*
~Uhrrrmmmm… WTF!! 8am klase ko male-late na kowww!!
Yan po ang sinasabi ko. Umabot ako ng college na ganyan. Ang madalas kong study period ay ang pagdating ko sa school ng 10 minutes early, ang recess, at ang lunch break. Himala at umabot ako ng college ng ganito. Pero ngayon magbabagong buhay na ko! PROMISE MAG-AARAL NA KO NG MABUTI! ^^,
(WTF I heard that for the nth time!)
Pa-Blow *** Ka Naman Dyan!
January 16, 2007
Happy birthday to me!!
January 17, 2007 ngayon. Kahapon ay 21 years old pa lang ako. Ngayon ay 22 na. Next year 23 na. Kuya John ang tawag sa’kin ng mga kaklase ko kahit pareho lang kaming 22 o minsan mas gurang pa siya. Mature daw kasi ang dating ko. O di ba astig. Hindi naman pala ako gurang. Mature lang.
Natutuwa talaga ako. Naaalala ko lang kasi nung bata pa tayo at nagmamadali na kong makapagshave at makapagdrive ng sasakyan at makapagaral sa college at makapagtrabaho na. Pero bakit ngayong 22 na ko naiisip ko pa na sana naglalaro na lang ulit ako ng Lego, nanonood lang ng TV hangga’t gusto ko, matutulog kung kelan ko gusto, tatae kung kelan ko gusto. Ngayon, binabaha na ko ng reports, paperworks, at case studies. Parang kelan lang noh? Ambilis nga naman ng panahon. Life is short ika nga nila.
O nga pala. Magboblow out nga pala ako sa mga friends ko mamayang gabi. Medyo wala nga pala akong budget ngayon pero sa lahat ng makakapagbasa nito ay may manlilibre na lang ako sa Jollibee para maaccomodate ng wallet ko ang dami ninyo. Sagot niyo na lang ang pamasahe papunta sa salu-salo ko, ako na bahala sa pagkain niyo. Punta na lang kayo mamayang 8 PM sa Jollibee, Hong Kong branch po. Wear your sky blue shirts ha? Kita kita tayo doon!
So ang birthday wish ko ngayon e sana wag kang tamarin na bigyan ako ng comment. Salamat sa comment ha!
Yung gusto nga palang magbigay ng gift e pakiconvert na lang sa load. ^^
Fear Factor(Pinoy Edition)
January 5, 2007
ASTIG ANG PINOY!
Kung ang street food sa ibang bansa ay hotdogs, burgers, dimsum, at fries, ibahin mo ang dito sa Pilipinas. Usong-uso ang mga fishballs, kwek-kwek, kikiam, etc. lalo na sa mga taong nasa middle to lower class ng populasyon. Mas maganda siguro kung gagawin natin yang, "Astig ang sikmura ng pinoy." Hindi ko rin alam bakit patok na patok sa mga Pinoy ang ganito. Ako mismo na nursing student ay parokyano ng ganitong pagkain. Kahit alam ko pa kung anu-anong bacteria ang makukuha ko rito, nakakalimutan ko sila lahat pagdampot ko sa magical barbecue stick that will someday make me sick(rhyme!).
Ikaw? Sa palagay mo? Saan ba kinukuha ng street food ang kanyang irresistibility?
- Sa magical barbecue stick which you make tusok-tusok onto the fishball?
- Sa orange food coloring na hindi mo alam bakit hindi na lang naging blue? Or yellow?
- Sa sukang manilaw-nilaw na at may paswimming-swimming na langaw?
- Dahil ito ay murang pantawid gutom kasabay ng pagtitipid para lang may maipang-Ragnarok ka?
Bilang isang nursing student, isa sa mga pangunahing tungkulin namin para sa aming komunidad ay ang health promotion o ang turuan kayo ng mga paraan para makaiwas sa sakit at magkaroon ng better lifestyle. Pero sa pagkakataon na ‘to ay kalimutan muna natin yun dahil ipapakilala ko sa inyo (sa mga hindi nakakaalam) ang iba’t-ibang masasarap na street food na pwede ninyong makita sa inyong mga kalsadahan.
Fishball, Squidball - Ito yung mga puting bilog which you make tusok-tusok onto. Pag marami-raming tao e pwede kang magpasobra ng sa bilang mo para makalibre ka. Well, konsensya mo na lang yun pag nagtaka ang tindero bakit hindi siya yumayaman sa pagpipisbol. Fishballs sold for 50c. Squidballs for P2.00.
Kwek-kwek - or quail eggs kung soshal ka. Itlog na binalutan pa ng itlog(battered). Sa sobrang pagiging itlog niya e bente anyos ka pa lang bumabara na ng cholesterol ang ugat ugat mo. Sold for P5-7/stick.
Kikiam - hindi lang sa Chowking meron nito. Sa kalsada rin! Ranges from P1-2.
One Day Old - mga orange na itlog na katakyut-takyut. One day old ang tawag sa kanila pero pag nalasahan mo parang one week old nang nilalako. P5.00.
Laman-loob ng Baka ON A STICK - sosyal ka dahil galing ito sa beef. Pero wala talagang beef dahil puro taba at laman-loob lang ito. P2-3.
At ang kinatatakutan ng lahat!
One Day Old Chick a.k.a. HALIMAW - Fried sisiw in an orange coloring. Crispy. Pinakamalutong pagkagat mo sa bungo nung sisiw KRRRRKKKK!!! Ummm.. sarap!!
At dahil nandito na rin ako ay magpapakanurse na rin ako.
Hazards of street-food eating:
- Alalahanin na ang iba sa mga street food ay hinahayaang nakatiwangwang lang sa kalsada at sari-saring pollution at microorganisms na ang nasagap nito.
- May posibilidad na makakuha ka ng E.coli sa fishballs, kikiam, squidballs dahil processed ang mga ito.
- Halos lahat sa mga microorganisms sa mga to ay namamatay rin sa mainit na mantika. Pero wala ka pa ring katakas sa magical sauce nila.
- Nakasisiguro akong milyun-milyong microorganisms na ang nasa mga sauce nila dahil iba’t ibang tao na ang "sumawsaw" dito. Kaya mas magandang magfishball sa umaga kaysa sa gabi dahil ikaw ang bwena-manong sasawsaw. =)
- Ang iba sa mga tindero ay walang alam sa food sanitation and proper handling.
Kaya sa susunod na magsistreet-food ka, lagi mong tandaan. EAT AT YOUR OWN RISK. Behhh!
Nursing is a Profession
December 20, 2006
Naaalala niyo pa ba nung mga mumunting bulinggit pa lang tayo at nasa family reunion ka at tatanungin ka ng tito mo, "Anong gusto mong maging paglaki mo?" Aware na tayo sa ating gender-role identity. Kung lalake ka malamang gusto mong maging pilot, doktor, manager, engineer, bus driver, security guard, balut vendor, kahit ano basta yung mga tigasin na career. Kung babae ka naman, ang isasagot mo marahil ay maging teacher, flight attendant, n housewife lang, at pwede ring maging isang nurse. Kahit kelan ay hindi ko pinangarap maging isang nurse. Girl na girl di ba? Buti na lang at hindi nila inaprubahan yung gagawin nilang requirement na pati lalake ay magsusuot ng nurse cap. How cute!
Kapag kasama ko ang mga high school friends ko, madalas silang magpasiklaban. Halos di na ko makarelate sa mga sinasabi nila. Nananadya yatang gawing technical ang usapan. Bakit kaya niyo bang kumuha ng BP na kamay lang ang gamit? Kaya niyo bang kumuha ng body temperature ng walang thermometer at daliri lang ang isusubo sa bibig ng pasyente? BWAHAHAHAHA! Di ko rin kaya yun eh.
Pero kahit napilitan ka lang mag-nursing dahil ito ang trend ngayon, sa katagalan ay malalaman mong enjoy rin pala to. Alam niyo ba kung bakit? Eto ang mga advantages ng pagiging isang student nurse.
ADVANTAGES
- Iba talaga ang dating ng naka-all white. Kahit gaano kaitim ang budhi mo, matatakluban ito ng puting uniporme mo.
- Alagang alaga kayo ng college/university niyo higit sa ibang estudyante nila dahil nursing students ang majority ng student population nila. Siyempre dahil ang bulk ay sa college of nursing nanggagaling. Wahehehe.
- Naniniwala ang mga nursing students sa kasabihan na, "The more, the merrier". United ang mga nursing students. Nais nilang higitan ang dami ng mga tao sa China.
- Sa nursing ka lang makakakita ng sangkaterbang chicks. Kung lalake ka at sexually preocuppied ka (SPO), bawing bawi ka talaga sa nursing schools.
- Enjoy ang mga topics na dinidiscuss sa klase. Magpakasawa ka sa iba’t ibang larawan ng mga ~~tooooooot~~ ng mga lalaki at babae.
- Bigang sisigla ang sex life mo(kung meron man) dahil mai-aapply mo ang mga natutunan mo sa school. Kulang na lang ay ang Indian Kama Sutra.
- Pag bumabagsak ka na sa mga exams mo at hirap na hirap ka ng intindihin ang topics, maaari mong isipin ang inspirasyon ninyong mga nurses at bigla mong maiintindihan ang topic na kanina lang ay ‘di mo makuha-kuha (hmmm… dollars!).
- Kahit anong course mo pa ay mataas ang chance na magshishift ka. Malakas talaga ang magnetic attraction ng nursing. Iba talaga ang tuksong dala ng dolyar.
- Parang hindi lang basta basta degree course ang nursing. Dapat gawin nila itong Masteral dahil ang mga doktor na halos sampung taon nagsiaral ay kumukuha rin ng nursing sa huli. Mas nababagay yata maging Doctorate degree pa ito.
- At dahil Doctorate degree nga ito ay kami naman ang mag-uutos sa mga doktor. (Doc, ipainom mo sa pasyente itong irereseta ko ha?)
- Graduate school na graduate school talaga ang labas n nursing dahil hindi lang mga doktor ang kumukuha nito. Pati mga senior citizens ay kumukuha na rin.
- Ang nursing students na second coursers (o mga senior citizens nga) ang pinakamaswerte sa lahat. Isipin mong pagsakay nila sa jeep, imbis na seven pesos(P7.00) ay dalawang piso(P2.00) na lang ang ibabayad nila. May student’s discount ka na, may senior citizen’s discount ka pa. San ka pa!
- Magiging favorite child ka ng mga magulang mo dahil tinupad mo ang gusto nila. ^^
Pero meron ring disadvantages ang pagiging isang student nurse…
DISADVANTAGES
- Pag may sakit ka ay wala ng magbe-baby sa’yo. Dahil nurse ka, obligado kang alagaan ang sarili mo.
- Bababa ang iyong libido pagka-duty mo sa delivery room.
- Ang panghi ng wiwi at bango ng pabango mo ay parang wala nang pinagkaiba dahil desensitized na ang ilong mo sa mga yan.
- Kailangan mo pang gawan ng full scan ang bawat uupuan mo. Kung hindi, magmumukhang basahan ang puwitan mo.
- Ang mga sablay sa inggles ay dadaan sa butas ng karayom. Ang greatest fear nila ay ang International English Language Testing System (IELTS) exam. Ngayon alam ko na bakit nagboksing na lang si Pacquiao.
- At dahil nga mataas na ang supply ng nursing students ay unti-unting tumataas ang quota para makapasa sa mga local at foreign state board exams nito. Malas talaga ng mga 3rd, 4th, 5th, 6th, at mga nth timers sa pagkuha ng board exam.
- Malas mo kung walang green card holder sa pamilya o sa boyfriend/girlfriend niyo.
- Kung di mo matatawid ang butas ng karayom, sorry ka at maghirap ka sa mga ospital dito sa Pilipinas na ubod ng kaybabang magpasweldo. Natawa na lang ako sa napanood ko kaninang umaga sa Magandang Umaga, Pilipinas na P14,000/month ang sweldo ng security guard na guest nila. Ang starting lang ng nurses dito ay P6,000 at ang regular ay P8,000. Wahahaha! Kakaloka ever!
O di ba astig? Tara na! Shift na!
Wish ko lang hindi ito mabasa ni Dean. =p
Pasko! Paksiw! Pasko!
December 18, 2006
(Makapag-update na nga lang muna habang hinihintay ang 315MB patch ng PangYa. 9% na. Leche.)
Ho! Ho! Ho! Feel na feel mo na ba ang Christmas, kapatid?
Ako feel na feel ko na! Uso na naman ang jacket dahil malamig na ang hangin sa balat. Nandyan na ang pabonggahan ng Christmas lights ng magkakapitbahay. Nandyan na ang mga nangangaroling na binging-bingi na sa "Patawad po!". Naglabasan na ang mga corny na novelty christmas songs ng mga sexbomb at nung kumanta ng boom-tarat-tarat-ding-dong-ding-dong. Christmas shopping na ulit with matching traffic. Problema na naman sa mga inaanak at sa mga monito at monita. Naglabasan na ang Christmas decorations sa kalye na may nakacaption na "Donated by: Mayor ******". Aba! Paskong pasko na nga!
Masarap isipin na once in a while, for a few weeks in a year, ay nakakapagrelax tayo ng ganito, nakakapag-enjoy, at nakakaluwag sa araw-araw dala ng stress sa school o sa trabaho. Take a break kumbaga. Masarap i-enjoy at ibahagi ang JOY na dala ng kapaskuhan. Pero paalala lang mga kaibigan. Tulad ng madalas banggitin sa atin sa homily ng pari, huwag sana tayong masilaw sa mga palamuti ng Christmas Season. Huwag nating hayaang matabunan ang tunay na kahulugan ng pasko. Remember, Christ was born on Christ-mas day.
Kaya share the love! Share the blessings! Share the aguinaldo! Ipasok ang inyong mga donasyon sa aking savings account# 0919-14344-1234-5678! Maraming maraming salamat po!
MERRY MERRY CHRISTMAS TO YOU!!
(19% na. ^^)
The X-Men
December 7, 2006
"Seryoso ang post kong ito. ‘Wag niyo itong ite-take for granted."
Mag-ingat ka sa mga taong nakakasalamuha mo. Sa araw-araw na routine ng buhay mo, maraming tao ang iyong nakakausap, kasama mong lumalabas ng bahay, nakakasama mo sa school o sa trabaho. Pero ang ilan sa kanila’y hindi pangkaraniwan. Habang tumatagal ang panahon na nakikilala mo sila, unti-unting lumalabas ang tunay nilang katauhan. Sila pala ay may special powers. Maaaring isa ka rin sa kanila.
Hindi sila mga super heroes, kundi sila ang mga kontrabida. Lahat na ng paraan para sila ay matugis ay nasubukan na, pero sila ay naglilipana pa rin. Ang iba sa kanila’y ‘di mo agad matutukoy. Ang iba sa kanila’y mukhang hayop, pero tao talaga sila.
Ang mga taong ito ay nabigyan ng special gifts. Mag-ingat sa kanilang special powers.
THE FIRE DRAGON
Alias: Bad breath, Dragon, Bulok-bagang
Abilities: Matindi ang kapangyarihan ng Fire Dragon. Lahat ng nakakausap nila ay nakakaramdam ng matinding pagkahilo. Ang iba sa kanila ay namamatay.
Papano maging tulad nila: Kumain ng madaming kanin at pagtapos hayaan ang mga naiwang butil-butil sa gilid-giliran ng mga ngipin. Effective rin ang pagkain ng mais at hayaang sumabit sabit ang mga tinga sa gitna-gitna ng ngipin. Hayaang ganito at iwanan ng dalawang linggo. Hilahin isa isa ang mga tinga at idispose. Maaari ring lunukin dahil carbohydrates pa rin naman ito.
Special Attack: Mayroon silang long range attack na tinatawag nilang "HAPPY BIRTHDAY TO YOU" at madalas nilang gamitin kapag magbo-blow ng kandila. Pero ang pinaka-deadly sa kanilang mga attack ay ang FK o ang tinatawag nilang french kiss.
Weaknesses: Astring-O-Sol, Colgate, Pepsodent
BEAST
Alias: Bigotilyo, Bulbu*an
Abilities: Sila ay ang mga kababaihang ipinaglihi sa sisiw ng balot. Ang kanilang mga braso at binti ay pawang abandonadong damuhan. Idol nila ang bigote ni Mr. Suave kaya pilit nila itong ginagaya. Ang iba sa kanila’y naka dreadlocks pa ang mga buhok sa kilikili. Luging lugi ang parlorista sa mga taong ito kapag sila’y nagpapa-highlights, nagpapa-rebond, o nagpapa-relax. Hindi epektibo ang bikini wax kaya’t sumisilip pa rin sa kanilang thongs ang buhok sa singit nila. Wala talaga silang special abilities bukod sa manakot.
Paano maging tulad nila: Ipanligo ang hair grower ng tatay mong kalbo.
Special Attack: Werewolf Cry
Weaknesses: Schick, Gillette
JEAN GREY
Alias: Chick, Sexy, Babe
Abilities: Silang lahat ay babae ang kasarian. Mayroon silang Telekinesis o ang kapangyarihang magpagalaw ng mga bagay kahit hindi nila ito hinahawakan. Ang kadalasang pinapagalaw nila ay mga b****toy.
Paano maging tulad nila: Wag ka ng umasa.
Special Attack: Super Yuko, Bilak-Sit, Open Sesame
Weaknesses: Para ‘di mabiktima sa kanila, sumigaw ng "Bakla ako!"
MAGNETO
Alias: Tok-pu
Abilities: Isa ito sa mga pinakamakapangyarihan na nilalang sa balat ng mundong ibabaw. Ayon sa Law of Magneticism, "Opposite poles attract, like poles repel". Repelling force ang kanilang ginagamit. Tuwing naglalakad sila, lumalayo ang mga tao dahil sa matinding repelling force nito. Ngunit hindi magnetic force ang kanyang ginagamit kundi ang kinakakatakutang Tok-Pu force. Lumayo ka sa pwersang ito dahil ‘pag naexpose ka sa Tok-Pu force ng humigit kumulang na dalawang minuto ay unti-unti kang mangingisay at magbabara ang iyong kalamnan, maninikip ang iyong dibdib, at mamamaga ang iyong ilong at bibig. May sabi-sabing ito ang sikreto ni Hitler sa likod ng kanilang gas chambers.
Paano maging tulad nila: I-adopt ang kanilang paniniwalang, "Bawal maligo kapag hindi full moon".
Special Attack: First Day High, Ma’am Ako Po!, Put Your Hands In The Air, Elevator Kill, Bus Kill, LRT Kill
Weaknesses: Rexona, Axe, Tawas
Ilan pa lamang yan sa mga special people sa ating paligid. Alam ko kung ano ang nasa isip mo.
Oo na ako na si Cyclops oo na sige na ako na Cyclops na ko oo na sige na ako na si Cyclops….
Bittersweet
December 5, 2006
~ Proud ako!
~ Proud ako dahil may girlfriend ako.
~ Proud ako dahil may girlfriend ako at hindi ko siya kasama.
~ Yea, that’s right. Hindi ko nga siya kasama.
Oo, kapatid. Long distance relationship nga. Sadyang matamis nga naman ang pag-ibig. Pero sa mga sitwasyon na katulad ng sa amin, magkahalong saya at bigat sa dibdib ang ‘yong dadanasin.
Masakit isipin na sa simula’t simula pa lamang ng aming pagiging mag-boyfriend/girlfriend ay hiwalay na kami. Unang araw pa lang pagtapos ng aming first "I love you", magkalayo na kami.
Naaalala ko pa noong unang dalawang taon namin, halos hindi kami nakakapagkita o nakakapagusap man lang. Isang beses sa isa o dalawang buwan lang kami nakakapagkita. Ang tanging communication namin noon ay tig-P30 a day na load namin na uubusin namin sa loob ng dalawang oras. P30/day(bawat isa sa’min) lang ang kaya naming i-load dahil studyante lang kami. P30 = 30 texts = consumed within 2hrs. Bukod pa dun, wala na. Pero ngayon ay maswerte na kami dahil available na ang unlimited calls courtesy of Sun Cellular. Kahit mahina ang signal, siyempre okey lang. Kahit mahirap tumawag, siyempre okey lang. Kahit baduy, siyempre okey lang. Lahat ng bagay gagawin mo siyempre para marinig ang tinig na pinakaaasam-asam mo(hayup naman!).
Nagtataka siguro ang marami kung bakit ko ginusto na pasukin ang ganitong klase ng relasyon. Sasabihin ko sa inyo, hindi ko ginusto ang ganito. "Kung nakakita ka ng dyamanteng kumikinang-kinang sa lupa, hindi mo ba ito pupulutin?" (Whoa! Wattananalogy!). Pinulot ko lang ang pagkakataon na alam kong hindi na kailanman darating.
Halos mag-aapat na taon na kami. Sa once a month naming pagkikita, masayang masaya kami sa iisang araw na ‘yon na nagkakasama kami. Pero lahat nga daw ng saya ay panandalian. Lahat ng excitement ay may katapusan. Maaalala mo na lang ang katotohanan na magkalayo na naman kayo pagtapos ng araw.
Madalas tanungin sa’kin, "John, papano kayo nagtagal ng ganyan katagal kahit long distance kayo?" Hindi ko rin alam eh. Hindi ko alam ang equation ng isang successful na long distance relationship. Pero meron akong mababanggit na iilang good points na nakakikita kong strengths ng aming pagsasama. Sa pagkakataong ito, maaari niyo ‘kong tawagin sa ngalang Jowdie Mango.
Una, be childlike yet mature. Ika nga nila, too much of something is not helpful. Hindi makakatulong ang araw-araw ninyong pagtatampuhan at pagtatalo. Ang madalas na tampuhan ay walang maitutulong sa inyong relationship at maaaring dahilan ng ‘di pagkakaunawaan, pagiging KSP, or simply immature love.
Ikalawa, balansehin ang dopamine-oxytocin surge sa inyong mga sarili. Minsan, ang pagiging obsessed ay maituturing nating isang illness. Ibig sabihin, kahit na nakaugnay ka na sa isang tao, hindi mo dapat malimutan na nabubuhay ka pa rin sa totoong mundo. Do not let yourself get carried away. Kailangang ikaw pa rin ang may kontrol sa sarili mo at hindi ang obsessive behavior mo. At ‘wag mong kakalimutan ang mga responsibilidad mo, lalo na ang ‘yong pag-aaral kung ikaw ay studyante.
At dahil nga balanse dapat, kailangang panatilihin ninyo ang spark sa inyong pagsasama. Ang pag-release ng dopamine ay puwede mong makuha sa mga vigorous o exciting na activities kasama ang iyong partner tulad ng pagjo-jogging, pagsakay ng rides sa karnibal, pagsu-swimming, etc.
Ikatlo, GIVE & TAKE. Ang paguunawaan at pagbibigayan ay isa sa mga key elements ng isang magandang relationship. Dito madedevelop ang intimacy & companionship na sangkap ng true love.
At higit sa lahat, ang pinakaimportanteng sangkap ng magandang pagsasama ay honesty & open communication. Walang problemang hindi naisasaayos sa magandang usapan. Dahil kung poor ang inyong communication, ang simpleng misunderstandings ay hahantong sa mas malaki at sanga-sangang problema. At ang pagiging tapat sa iyong partner ang siyang magpapatibay ng tiwala ninyo sa isa’t isa.
Para sa mga long distance na magnobyo o mag-asawa na nasa abroad pa ang kanilang partner, saludo ako sa inyo!
Sa mahal kong si Liz, ‘wag kang mag-alala dahil kahit malayo pa rin tayo sa isa’t-isa, hinding hindi ako mambababae. Kahit ‘yung nurse na sumisimple ng ’stolen shot’ sa’kin sa Dagupan ay hindi ko papatulan. Ikaw lang lagi ang nasa isip ko, aking irog. Salamat pala sa binili mong Apricot Scrub para sa’kin. Na-try ko na kanina at ang sarap sa mukha. Nafifeel ko ang microbeads na tinatanggal ang dead skin at libag-libag sa aking face. I-try niyo rin & see the difference!

